METRO MANILA – Tinitingnan ng Department of Education (DepEd) ang mga petsang August 23, September 6 at September 13 para sa opening ng school year 2021-2022.
At kasunod ng pag-aanunsyo nito ay naglalatag na rin ng plano ng Department of Health (DOH) katulong ang DepEd at mga pediatric society sa Pilipinas para sa unti- unting pagbubukas ng face-to- face classes ng mga batang estudyante.
“The plan is we will have pilot sites for this face -to face classes for children and the plan would be that we will start with the younger age because we know that among the age groups among children these younger age groups would have the least risk of getting infected” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire .
Ngunit hindi pa detalyado sa plano kung anong age group ang mga makakasama dito dahil pinag-aaralan pa anila ito
At bagamat mayroong mga lugar na nakikita ang DOH na maaaring makasama sa pilot physical classes patuloy pang sinusuri ang mga ito.
“Isang daan yata itong mga paaralan na ito na magkakaroon ng face- to face classes pero dpat siguraduhin muna na ang mga metrics o ang mga pamantayan o panukatan na walang COVID cases sa mga lugar, low risk kanilang classificaton or walang reported daily new cases for the last 28 days” ani DOH Sec Francisco Duque III.
Ayon kay health Secretary Francisco Duque III, pilot testing pa lang ito at hindi pa ipatutupad sa buong bansa lalo’t wala pa naman sa hanay ng mga batang Pilipino ang nabakunahan na.
Dati nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais nyang mabakunahan muna ang mga estudyante bago magbalik sa mga paaralan.
Ipinaliwanag naman ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na mas maliit ang tyansang mahawa sa COVID-19 ang mga mas bata, na sinang-ayunan din ng mga eskperto.
Nguni’t kakailanganin pa rin aniya ang pag-apruba ni Pangulong Duterte bago tuluyang buksan ang face- to- face classes.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, sang-ayon naman ang mga guro na mabakunahan muna bago magbalik sa face- to- face classes.
Ngunit ayon kay NTF Special Adviser Dr Ted Herbosa, naka- depende ang dami ng mababakunahan sa hanay ng mga guro sa supply ng COVID-19 vaccines.
Sinabi naman noong Martes ni IATF Chief Implementer at Vaccine Czar Sec Carlito Galvez Jr na kung sakaling may available na bakuna para sa mga bata, pwede na itong umpisahan sa 4th quarter ng taon.
Kabilang sa mga pinag-aaralang ibigay sa mga menor de edad na Pilipino ang COVID-19 vaccines ng Pfizer, Moderna at Sinovac.
(Aiko Miguel | La Verdad Correspondent)