Binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Sa pinakahuling tala ng PAGASA, namataan ito sa layong walongdaan at syamnapung kilometro silangan ng Baler, Aurora.
Samantala, patuloy pa ring makaka-apekto sa bansa ang southwest monsoon o habagat.
Posibleng makaranas pa rin ng mga flashflood at landslide sa Ilocos Region, Benguet, Zambales at Bataan.
Maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Metro Manila, Cagayan Valley at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region.
(UNTV RADIO)
Tags: low pressure area