Kaninang alas 4:00 ng madaling araw, namataan ng PAGASA ang Low Pressure Area sa layong 750 km sa silangang bahagi ng Surigao Del Norte habang patuloy na naapektuhan ng Easterlies ang silangang bahagi ng bansa.
Pero ayon sa PAGASA, maliit ang posibilidad na maging ganap itong bagyo.
Samantala, Ang Silangang Kabisayaan, rehiyon ng Davao, Caraga at Zamboanga Peninsula ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa silangan hanggang sa timog-silangan ang iiral sa Hilaga at Gitnang Luzon at mula naman sa silangan hanggang sa hilagang-silangan sa nalalabing bahagi ng bansa. ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon.
OVER METRO MANILA:
Maximum Temperature: 04:10 PM yesterday —– 35.2 ºC
Minimum Temperature: 06:00 AM yesterday —– 25.6 ºC
Maximum Relative Humidity: 06:00 AM yesterday ——— 76 %
Minimum Relative Humidity: 02:00 PM yesterday ——— 47 %
High tide today : 05:10 PM ……… 0.71 meter
Low tide today : 01:26 AM ……… 0.09 meter
High tide today : 08:57 AM ……… 0.53 meter
Sunrise today: 05:34 AM
Sunset today: 06:12 PM
Tags: daily weather, LPA, PAGASA, weather bulletin