Long-range patrol aircrafts, target bilhin ng pamahalaan para sa pagpapatrolya sa teritoryo ng Pilipinas

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 1129

ARA_LONG-RANGE
Planong bilhin ng pamahalaan ang dalawang long-range patrol aircrafts para sa pagpapaigting ng air defense capability ng bansa.

Ito ay sa ilalim pa rin ng ongoing modernization program ng Armed Forces of the Philippines.

Nagkakahalaga ang dalawang long-range patrol aircrafts ng kulang sa anim na bilyong piso.

Kabilang sa proyektong ito ang sensors, sensors integration, mission support facilities at integrated logisitics package.

Ayon kay Airforce Spokesperson Colonel Enrico Canaya, kailangan ang LRPA’s na ito upang makapagpatrol sa bansa ng 200-mile exclusive zone.

Aniya makapagbibigay din ito ng dagdag kapabilidad upang makaganap ang airforce ng kanilang tungkulin.

Kaugnay nito, nagsagawa na ng pre-bid conference ang Department of National Defense kamakailan at sa March 14 ang huling araw para makabili ng bid documents ang mga prospective bidders.

(Ara Mae Dungo / UNTV Radio Correspondent)