Lokal na pamahalaan ng Zamboanga city, pinaghahandaan na ang pagdating ng mahigit 10 libong deportees mula Malaysia na dadalhin sa syudad

by Radyo La Verdad | October 22, 2015 (Thursday) | 2048

dante_deportees
Magsasagawa ng inter-agency meeting ang mga lokal na sangay ng pamahalaan sa Region Nine sa Zamboanga city bukas.

Ito ay upang pag-usapan ang inaasahang pagdating o pag-uwi ng ating mga kababayan na ipapa-deport mula bansang Malaysia partikular sa Sabah at Sandakan.

Ayon sa POEA Regional extension unit, magkakaroon ng massive deportation ng mga Pilipino doon sa mga wala at hindi kumpleto ang papeles.

Kabilang na dito ang mga ilegal na pumasok, biktima ng human trafficking o illegal recruitment na aabot sa mahigit sampung libu.

Nagbigay umano ng amnesty ang pamahalaan ng malaysia sa mga Pilipino at pinayagan silang umuwi sa bansa upang kumuha ng kumpletong dokumento tulad ng overseas employment certificate, passport, at iba pa.

Kabilang sa dadalo sa isasagawang pagpupulong ang Department of Health na siyang pangunahing magbabantay sa kalusugan ng mga deportee tulad ng pagsasailalim sa quarantine kung kinakailangan.

Department of Social Welfare and Development na siya namang mag-aasikaso sa pangangangailangan ng mga ito tulad ng pagkain pagdating ng mga ito sa Zambaonga city at ang pamasahe nila pauwi sa kanilang mga probinsya.

Habang ang Department of Labor and Employment katuwang ang attach agencies nito na OWWA at POEA ay ang pagtulong sa proseso ng kanilang mga papeles sa pangingibang bayan o ang posibleng ayuda na ibibigay sa kanila para di na sila babalik doon.

Sa Zamboanga city unang dinadala ang mga pilipinong ipina-deport partikular galing sa bansang bago makauwi sa kani-kanilang mga lugar.

Tags: ,