Sisimulan na ng Philippine National Police sa November 10 ang full deployment ng libo-libong pulis na magbabantay sa pagdaraos ng 2017 ASEAN Summit.
Ayon kay PNP-National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde, ilang security measures na ang kanilang nakahandang ipatupad.
Tulad ng pansamantalang pagsasara o lockdown sa paligid ng Philippine International Convention Center at Cultural Center of the Philippines Complex simula November 10. Ipatutupad din ang suspension ng permit to carry firearms mula November 1 hanggang 15.
Magsasagawa rin ang PNP–NCR ng mga police operation sa mga itinuturing na mga crime prone areas.
Sa ngayon ay wala pa aniya silang namomonitor na anomang banta ng terorismo kaugnay ng paparating na ASEAN event. Subalit patuloy silang naghahanda sa anumang posibilidad ng pananabotahe ng mga posibleng supporter ng Maute group.
Simula pa noong nakaraang taon ay naka-full alert status na ang mga pulis sa Metro Manila.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: 2017 ASEAN Summit, Metro Manila, PNP–NCR