Local officials, hindi maaaring alisin ang beneficiaries sa listahan ng Pantawid Pamilya Pilipino Program ayon sa DSWD

by Radyo La Verdad | March 29, 2016 (Tuesday) | 1668

DINKY SOLIMAN
Nanawagan si DSWD Secretary Corazon Dinky Soliman sa publiko na huwag paniwalaan ang mga local official na nagbabantang tatanggalin ang mga beneficiaries sa listahan ng 4Ps.

Sa mga ulat na natanggap ng DSWD, may banta umano sa mga beneficiary na aalisin sila sa listahan kung hindi nila iboboto ang kanilang mga kandidatong ineendorso.

Ayon kay DSWD Sec Corazon Juliano-Soliman, mananatiling kabilang sila sa benepisyaryo base sa kanilang pagtugon sa programa at hindi sa desisyon ng local offcials o sa dahil sa mga preferensyang kandidato sa darating na eleksyon sa Mayo.

Pinaigting din umano ng kagawaran ang Family Development Sessions o FDS lalo na ngayong darating na eleksyon upang mas malaman ng 4Ps beenficiaries ang kanilang mga karapatan.

Ipinaalala din ng Kagawaran na karapatan ng bawa’t benepisyaryo na pumili ng kanilang kandidatong iboboto.

(Aiko Miguel / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , ,