Nagbabala ang grupo ng local manufacturers ng semento sa bansa sa panganib na maaaring idulot ng smuggled na semento.
Ito’y matapos matuklasan ang libo-libong metric tons ng smuggled na semento na nakapasok na sa pamilihan.
Ayon sa Cement Manufacturers Association of the Philippines o CEMAP, nitong mga nakalipas na buwan lamang, siyam na shipment ng semento galing Vietnam at China ang naipuslit sa bansa.
Babala nito, posibleng substandard na ang mga susunod na maipupuslit na smuggled na semento na maaaring magdulot ng panganib sa buhay at ari-arian ng mga consumer.
Ayon sa CEMAP, tumaas ang demand ng semento kaya sinamantala ito ng ilang importer.
(UNTV RADIO)
Tags: Cement Manufacturers Association of the Philippines, smuggled cements