Kinondena ng mga local media group ang naging pahayag ni President-elect Rodrigo Duterte kaugnay ng media killings.
Sinabi ni Duterte sa kanyang pinakahuling pressconference na sangkot sa kurapsyon ang ibang media na naging biktima ng pagpatay, at hindi exempted sa assasination ang mga media na sangkot naman sa korapsyon.
Sa isang statement sinabi ng National Union of Journalists of the Philippines, na bagama’t may ilang media na naging biktima ng pagpatay dahil sa korapsyon,karamihan naman anya sa mga naging biktima ay pinatay dahil sa pag-eexpose ng kamalian ng ilang opisyal ng gobyerno.
Ganito rin ang naging pahayag ng media watchdog na Center for Media Freedom and Responsibility na nagmomonitor sa mga media outfit sa bansa. Sinabi nito na hindi opsyon ang pagpatay sa mga nagkamaling myembro ng media. Marami naman anyang legal recourse na maaaring gawin para mapanagot ang mga miyembro ng media na mapapatunayang naging sangkot sa korapsyon.
Kinondena rin ng international media group na reporters without borders ang naging pahayag ni Duterte.
Hinikayat pa nito ang local media na i-boycott ang mga press conference ni Duterte hangga’t hindi ito humihingi ng public apology.
Dumipensa naman ang kampo ni Duterte. Sinabi ni Sen. Koko Pimentel na namisinterpret lamang ang sinabi ng President-elect. Dagdag pa nito, bukas parin ang duterte government sa pagresolba sa mga kaso ng media killings.
Bagamat isa ang Pilipinas sa mga may pinakamalayang pamamahayag, isa naman ito sa may mga pinakamataas na kaso ng pagpatay sa miyembro ng mga media.
(Joms Malulan / UNTV Radio Correspondent)
Tags: Local at international media groups, media killings, resident-elect Rodrigo Duterte