Local Government Units at Philippine National Police, nangunguna sa listahan ng may pinakamaraming kaso sa Ombudsman

by Radyo La Verdad | March 7, 2016 (Monday) | 1643

OMBUDSMAN
Muling nanguna ang Local Government Units at Philippine National Police sa listahan ng may pinakamaraming naitalang complaints sa Office of the Ombudsman.

Batay sa ulat ng Finance Management Information Office, tumaas ng 31% mula sa 2,053 cases noong 2014 sa 2,697 cases noong 2015 ang bilang ng naisampang kaso sa Ombudsman laban sa LGU officials.

Umabot naman sa 1,265 na kaso sa Ombudsman ang naisampa laban sa mga kawani ng PNP, mas mataas kumpara sa 1,258 kaso noong 2014.

Nasa ika-sampung pwesto naman ang Bureau of Customs na may 70 kaso, mas mababa kumpara sa 177 kasong naisampa noong 2011.

Kabilang din sa top ten na may pinakamaraming kasong naisampa laban sa kanila ang Armed Forces of the Philippines, Department of Education, Department of Environment and Natural Resources, State Universities and Colleges, Department of Agriculture, Department of Finance at Department of Agrarian Reform.

Samantala, kadalasan naman sa mga reklamong naisumite laban sa kanila ay parehong criminal at administrative complaints.

(Aiko Miguel / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , ,