Load shedding, ipinatutupad ng Masbate Electric Company dahil sa kakulangan ng supply ng kuryente

by Radyo La Verdad | February 8, 2016 (Monday) | 1786

GERRY_SHEDDING
Nakararanas ngayon ng lima hanggang anim na oras na power interruption ang anim na munisipalidad at syudad sa Masbate.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Bayan ng Uson,Mobo, Cawayan, Dimasalang Baleno, Milagros at ilang barangay sa Masbate City.

Ayon sa Masbate Electric Company o MASELCO, kailangang ipatupad ang load shedding dahil sa kakulangan ng supply ng kuryente sa lalawigan.

Ayon kay OIC Technical Manager Elmo Sese Jr, kulang ang kuryenteng naisusupply ng mga genset ng DMCI Holdings Incorporated na nagsisilbing power provider ng MASELCO.

Nagsasagawa naman na ng preemptive maintenance ang dmci sa isa nilang genset.

Samantala, humingi na ng tulong sa National Electrification Administration ang mga alkalde sa lugar na apektado ng power shedding upang agad na masolusyunan ang problema sa kakulangan ng supply ng kuryente na naaka-apekto ng malaki sa mga negosyo sa lalawigan.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: , ,