Nagbitiw na si National Anti-Poverty Commission (NAPC) chief Liza Maza sa gabinete ni Pangulong Duterte ngayon Lunes, ika-20 ng Agosto 2018 ayon sa palasyo.
Sa isang press briefing, ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat na mabigyan ng pagkakataong makapaglingkod sa gobyerno.
Dagdag pa ni Maza, ang desisyon ng pamahalaan na ipagpaliban ang peace talks sa komunistang grupo at pagbabalik ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at ilang myembro ng pamilyang Marcos sa kapangyarihan ang nagtulak sa kanya upang bumitiw sa pwesto.
Sinumite niya ang kanyang letter of resignation kay Pangulong Duterte isang linggo matapos ibasura ng korte ng Nueva Ecija ang kaso laban sa kanya sa iba pang akitibistang lider.
Tags: Liza Maza, NAPC, Pangulong Duterte