Listahan ng mga rehiyon na may presensya ng private armed groups, inilabas ng PNP

by Radyo La Verdad | October 11, 2018 (Thursday) | 1763

Isang araw bago ang filing ng certificate of candidacy (COC) para sa 2019 midterm elections, inilabas ng PNP ang listahan ng mga rehiyon na mayroong presensya ng mga private armed group (PAGS).

Ayon kay PNP Spokesperson PCSupt. Benigno Durana Jr., mayroong 77 active PAGS sa bansa. 72 dito ay mula sa ARMM at tig isa naman sa Region 1, Region 3, Region 4a, Region 5 at Cordillera.

Ang mga ito ay may mahigit sa dalawang libong miyembro ay may hawak na mahigit sa isang libo at limang daang baril.

Ngunit ayon kay Durana, mino-monitor din nila ang 266 na inactive PAGS.

Aniya, posibleng maging aktibo ang mga ito at magpaupa sa mga pulitiko para magamit laban sa kanilang mga katunggali sa pulitika.

Bukod sa bubuoing special operations task group na magbabantay sa seguridad ng darating na eleksyon, magpapatupad din ng balasahan ang PNP sa hanay ng matataas na opisyal nito upang maiwasang maimpluwensyahan ang halalan lalo na sa mga lugar na may kamag anak ang mga pulis na tatakbo sa halalan.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: ,