Listahan ng mga magsisipagtapos sa 4Ps program, susuriing mabuti ng DSWD

by Radyo La Verdad | June 26, 2023 (Monday) | 4425

METRO MANILA – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sasailalim sa masusing evaluation ang listahan ng mga magsisipagtapos sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan sa susunod na buwan.

Ayon kay DSWD Assistant Sec. Romel Lopez, aalamin ng kagawaran ang aktwal na kalagayan ng mga prospective 4Ps graduate bunsod ng panawagan ng ilan sa mga benepisyaryo na mapanatili sila sa nasabing programa .

Base sa naunang re-assessment, hindi na aniya tatanggap ng cash assistance ang mga na-identify nilang mga beneficiary na naka-ahon na sa kahirapan.

Ayon naman kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, hindi mapababayaan at patuloy na masusuportahan ang mga pangangailangan na maaaring harapin ng mga magsisipagtapos sa 4Ps ng pamahalaan.

I-eendorse aniya ang mga ito sa lokal na pamahalaan na nakasasakop sa kanila kasama ang mga case folder upang maging batayan sa mga maaari pang ibibigay na suporta sa tulong naman ng pribadong sektor.

Tags: ,