Listahan ng mga ipinagbabawal na paputok, inilabas ng PNP

by Jeck Deocampo | November 30, 2018 (Friday) | 13283
FILE PHOTO: Ang ilan sa mga ipinagbabawal na paputok na nakumpiska ng Philippine National Police-Firearms and Explosive Division. (JOHN DELIMA / Photoville International)

METRO MANILA, Philippines – Inilabas na ng PNP Firearms and Explosives Office (FEO) ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok. Ayon kay FEO Spokesperson and Legal Officer PCI Domer Tadeo, inagahan nila ang paglalabas ng listahan upang malaman ng publiko ang mga hindi dapat bilhing paputok na nakalulusot sa merkado.

 

Kabilang aniya ang mga paputok na:

  • Mayroong mahigit sa 1/3 teaspoon o 0.2 grams ang pulbura
  • Sobrang laki o oversized
  • May mitsa na sobrang liit na nauubos ng kulang sa 3 segundo o sobrang haba naman na inaabot ng mahigit sa 6 na segundo bago maubos
  • Mga imported at walang label na paputok at ang mga may sulphur o phosphorous na inihalo sa chlorates.

 

Narito ang ilan sa mga ipinagbabawal na paputok:

  • Piccolo
  • Super Lolo
  • Atomic Triangle
  • Large Judas Belt
  • Large Bawang
  • Pillbox
  • Bosa
  • Goodbye Philippines
  • Bin Laden
  • Mother Rocket
  • Lolo Thunder
  • Coke in Can
  • Atomic Bomb
  • Five Star
  • Pla-pla
  • Giant Whistle Bomb
  • Kabasi

 

Bawal din ang watusi kahit na maliit lamang ito.

“Bawal po ‘yun (watusi) dahil harmful po ‘yun lalo na sa mga bata, ‘pag nakain o na-swallow. Kaya in coordination with DOH, ipinagbawal din natin yung ganoong klaseng paputok,” pahayag ni FEO Spokesperson PCI Domer Tadeo.

 

Samantala, kabilang naman sa mga paputok na maaaring gamitin sa mga itatalagang firecracker zone ay ang Baby Rocket, Bawang, El Diablo, Judas Belt, Paper Caps, Pulling of Strings, Sky Rocket o Kwitis at Small Trianggulo.

 

Babala ng opisyal, ang mga mahuhuling nagtitinda ng mga ipinagbabawal na paputok ay tatanggalan ng lisensya at kukumpiskahin ang paninda.

 

 

Ulat ni Lea Ylagan / UNTV News

Tags: , , , , ,