Isa sa mga dahilan kung bakit laganap pa rin ang droga sa bansa ay dahil sa mga barangay official na sangkot sa iligal na droga.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), napapanahon na upang isapubliko na ang pangalan ng mga barangay at SK official na nasa narco-list bago ang May 14 election.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nakatanggap na siya ng “go signal” kay Pangulong Rodrigo Duterte na pangalanan ang mga opisyal na nasa narco-list.
Dalawang daan at labing isang opisyal ng barangay ang nasa validated list ng PDEA. 293 daw ang kabuang bilang nito subalit marami na umanong naaresto at namatay.
Ayon kay Aquino, kakausapin niya si Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año na maglabas ng guidelines kaugnay sa pagsasapubliko sa narco-list.
Bukod sa mahigit dalawang daang barangay official, siyamnapu’t tatlong congressman, vice mayor, mayor at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan ang sangkot sa drug trade.
Nanawagan ang PDEA sa mga botante na huwag ng iboto ang mga opisyal na nasa drug list.
Handa naman ang PDEA sakaling may kumwestyon sa pagpapangalan nila sa mga opisyal na sangkot sa iligal na droga.
( Mon Jocson / UNTV Correspondent )
Tags: barangay official, illegal drug trade, pdea
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com