Liquor ban ipatutupad ng COMELEC sa May 8 at 9

by Radyo La Verdad | April 18, 2016 (Monday) | 1940

VICTOR_LIQUOR
Batay sa COMELEC Resolution Number 10095 simula May 8 hanggang sa mismong araw ng botohan sa May 9, ipatutupad ang liquor ban ng Commission on Elections.

Nakasaad sa omnibus election code na bawal ang pag inom at pagtitinda ng alak isang araw bago at sa mismong araw ng halalan.

Saklaw ng pagbabawal sa pagbebenta at pagseserve ng alak ang mga hotel, resorts, restaurants at iba pang katulad na establisyemento sa buong bansa.

Ang mga lalabag ay maaaring makulong ng isa hanggang anim na taon, hindi na maaaring humawak ng posisyon sa gobyerno at hindi na makaboboto.

Inatasan ng COMELEC ang PNP, NBI, law department at ang mga election directors, supervisors and officers na ipatupad ang resolusyon.

Subalit ang mga hotel, resort, at restaurant na certified ng Department of Tourism na tourist oriented o madalas na puntahan at ng mga dayuhang turista ay maaring kumuha ng exemption mula sa COMELEC.

Tanging ang mga dayuhan lamang ang maari nilang pagsilbihan ng alak.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: , ,