Lipa District Hospital, wala pa ring naitatalang firecracker-related incidents

by Radyo La Verdad | January 1, 2017 (Sunday) | 1789

vincent_zero
As of 1am ay wala pang naitalang bilang ng mga naputukan sa Lipa District Hospital. Ito ay dahil narin sa pagbuhos ng malakas na ulan dito kanina.

Kaya naman ang ilan sa ating mga kababayan, imbes na magpaputok ay gumamit nalang ng pampaingay gaya ng videoke , busina ng motor at iba pang malalakas na sound systems.

Ayon sa mga otoridad naging epektibo rin ang ginawang kampanya ng pamahalaan upang mabawasan ang mga bilang ng napuputukan tuwing magpapalit ang taon.

(Vincent Octavio / UNTV Correspondent)

Tags: ,