METRO MANILA – Pormal na iprinisenta ni Education Secretary Leonor Briones sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) Lunes ng gabi kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ng kagawaran na magkaroon ng limited face-to-face learning.
Binigyang-diin naman ng kalihim na magiging case-to-case basis ang pagbibigay ng pahintulot sa limited face-to-face classes at may mga kundisyong dapat magawa.
Sa mga lugar lamang na Modified General Community Quarantine low risk ito pahihintulutan.
Sa Enero ng susunod na taon pa ito balak gawin bagaman may Ilan nang private schools na pinahintulutang ipagpatuloy ang limited face-to-face na inumpisahan nila noong Hunyo.
Dapat ding may maayos na cooordination sa pagitan ng DepED, lokal na pamahalaan at local health authorities.
Mahigpit na ipatutupad ang health standards
Ang national task force ang magsasagawa ng pilot testing at inspeksyon sa mga school facilities.
Inaprubahan naman ito ni Pangulong Duterte.
“For basic education, we are saying that maybe we can allow limited face-to-face learnings but strictly to be regulated in the light of present conditions” ani DepED Sec. Leonor Briones.
“let’s try to make our time productive even how constricted the times are, okay ako”ani Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, ayon kay Sec. Briones, batay sa datos, hindi kasingtindi ang epekto ng COVID-19 sa mga bata kumpara sa mga matatanda.
Sa higit 67 libong kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa 2,000 ang mga nahawang bata at 16 ang naitalang nasawi.
“Children are not as badly affected by this COVID phenomenon as the adults especially the elderly” ani DepED Sec. Leonor Briones.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Covid-19, Face_To-Face Class