METRO MANILA – Balik physical classes na ngayong araw (December 6) ang 28 eskwelahan sa National Capital Region (NCR) matapos pahintulutan ng Department of Education (DepEd).
Tiniyak ng kagawaran na nasuring maigi at dumaan sa risk assessment ng Department Of Health (DOH) ang mga paaralan sa metro manila na lalahok sa pilot run ng limited face-to-face classes.
Tig-2 paaralan sa Caloocan, Mandaluyong, Maynila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasig, Quezon City, Taguig, Valenzuela at Las Piñas City.
Habang tig-1 naman sa San Juan, Malabon Makati at Pasay City.
Una nang nagsagawa ng class simulation ang mga paaralan sa Pasig, Navotas, Valenzuela at Makati City upang makita ang kahandaan ng mga paaralan na mag-in person learning.
Bawat paaralan ay nakahanda sa pagpapatupad ng health protocols
Mayroong disinfection station, temperature checking devices, at markings para sa physical distancing.
Sa Quezon City naman isinailalim na sa swab testing noong Sabado ang mga guro at school staff sa bagong Silangan Elementary School at Payatas B Annex Elementary School upang masigurong covid-free ang mga ito bago ang pagsisimula ng physical classes.
Limitado lamang sa labing-12 estudyante kada classroom sa grades 1 at 2 ang papasok ng pisikal sa klase.
Habang 20 naman per classroom para sa grade 3 hanggang grade 6.
Samantala, magsisimula naman ang physical classes sa mga paaralan sa iba pang rehiyon sa kani-kanilang itinakdang petsa.
Sa kabuoan, nasa 295 na mga paaralan na mula sa public at private schools ang kasama sa pilot run ng limited face-to-face classes.
(Janice Ingente | UNTV News)