Limang brand ng suka, napatunayang peke o gumagamit ng synthetic acetic acid – FDA

by Erika Endraca | June 5, 2019 (Wednesday) | 3248

MANILA, Philippines – Inilabas na kahapon (June 4) ng hapon ng Food and Drug Administration (FDA) ang liastahan ng 5 brand ng suka na napatunayang peke o gumagamit ng synthetic na acetic acid.

Ito ay matapos ang pagsusuri at pagsisiyasat sa 39 sample ng suka sa merkado. Kasama sa sinuri ng fda ang batch/ lot number at expiry date ng bawa’t sample.

Ayon sa fda positibo sa synthetic acetic acid ang Sure buy cane vinegar, Tentay pinoy style vinegar, Tentay premium vinegar, Tentay “sukang tunay asim” at Chef’s flavor vinegar .

“Adulterated siya oo na fake siya na suka at hindi siya dapat na binebenta. Sa philipines kasi ang description natin ng vinegar it has to be acetic acid coming from naturally fermented products.” ani FDA OIC, Usec Eric Domingo .

Sa inilabas na fda advisory no.2019- 144 hindi na maaring ibenta pa ang mga ito sa merkado.

Nilinaw naman ni fda oic usec eric domingo na wala namang panganib sa kalusugan ang naturang mga brand ng suka pero hindi dapat maibenta ang mga ito dahil anomang may synthetic acetic acid ay substandard ang quality

Ibig sabihin hindi ito dumaan sa tamang fermentation process bagkus minadali ang paggawa nito at hindi ito ang tamang proseso para sa mga commercial vinegar production

“Pinakikiusap nga natin sa ating mga kababayan kung bibili sila, iyong fda registereed lang. Kasi iyong hinfi fda registered, hindi na namin nate- test at hindi na namin alam kung saan galing, kapag kasi fda registered alam natin nasaan ang factory, kung ano ang process na ginagawa nila at tsaka nag- submit sila ng documentation showing what they do and how they do it.” ani FDA OIC, Usec Eric Domingo .

Ang inilabas na fda advisory ay dapat na aniyang maipatupad din sa lahat ng regulated establishments sa bansa upang matiyak ang kalidad na mga suka lang ang maibebenta sa merkado .

Magkakaroon din aniya ng inspection ang fda sa lahat ng manufaturing facility upang maberipika na ang mga producer ng mga suka ay hindi na gagamit pa ng synthetic acetic acid.

Mahaharap aniya sa karampatang aksyon at multa ang mga establisyemento at producers na hindi susunod sa standards, rules at regulasyon ng food and drug administration .

“Ino- notify muna natin sila itong mga concerned manufacturers para pwede na silamg mag- voluntary pull- out ng kanilang produkto pagkatapos noon papa- explain natin sa kanila kung anong nangyari kung bakit sila gumagamit ng synthetic acetic acid and of course kung talagang makitang mayroon silang pagkukulang then we just have to be strict in our enforcement of our, na may regulatory actions din naman tayo.” ani FDA OIC, Usec Eric Domingo .

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: ,