Limang araw na pork holiday, planong isagawa ng grupo ng mga backyard hog raiser

by Radyo La Verdad | March 16, 2016 (Wednesday) | 938

AIKO_PORK-HOLIDAY
Pinaghahandaan nang mga backyard hog raisers ang umano’y 5 days pork holiday na nais nilang isagawa kung hindi parin aaksiyunan ng pamahalaan ang kanilang kahilingan laban sa pork smuggling sa bansa.

Sa ngayon, Itatakda pa lang ng grupo ang petsa kung kailan nila isasagawa ang pork holiday.

Base sa mga ulat na natanggap, malaki ang ibinababa sa presyo ng karne ng baboy dahil sa laganap na technical smuggling sa bansa.

Sa sulat na ipinarating ng iba’t ibang grupo ng hog raisers kay Pangulong Aquino ipinakita nila ang halaga ng ibinaba ng hog inventory mula sa backyard farms na 7.95 million ngayong 2016 mula sa 9.54 million noong 2010.

Ipinapakiusap din ng mga grupo ang mahigpit na implementasyon sa “quarantine first policy” bago ang payment duties na nakasaad sa Republic Act 10611.

Maging ang ilang hakbang bago maipasok sa bansa ang mga pork o meat products gaya ng:

• 100 % quarantine test and inspection sa port pagpasok pa lang ng pork/meat imports na may na-deklarang 5-10% tariff

• Ang mahigpit na pagpapatupad ng labelling requirements

• Ang agarang pagpirma ng Pangulo sa panukalang batas na nagsusulong sa smuggling ng agricultural commodities upang maaksyunan ang economic sabotage.

Ang ipinaabot na open letter kay Pangulong Aquino ay pinirmahan ng mga grupo gaya ng Swine Development Council, Pork Producers Federation of the Phils Inc, The National Federation of Hog Farmers Inc at Samahang Industriya ng Agrikuktura.

(Aiko Miguel / UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,