Lima sugatan sa banggaan ng pampasaherong bus at jeep sa Quezon City

by Radyo La Verdad | January 22, 2016 (Friday) | 1821

BANGGAAN
Galos at bugbog sa ibat ibang bahagi ng katawan ang natamo ng limang pasahero ng isang pampasaherong jeep matapos mabangga ng bus sa Southbound lane ng Barangay Holy Spirit Commonwealth Avenue bandang alas dies y’medya kagabi.

Ayon sa ilang nakasaksi nagulat na lang sila ng biglang bumangga ang bus sa nakatigil na jeep

Ayon sa konduktor ng jeep na si Russel Lusterios, kukuha sana sila mga pasahero sa nasabing lugar nang biglang silang salpukin ng bus.

Sa lakas ng pagkabangga, tumagilid ang jeep na ikinasugat ng mga pasahero kasama ang isang babaeng buntis

Isinugod ang mga ito ng MMDA, DPOS at Barangay Commonwealth Rescue sa East Avenue Medical Center.

Wasak naman ang kanang bahagi ng harapan ng bus.

Katwiran naman ng bus driver na si mulberg baldado hindi niya napansin ang jeep dahil madilim sa bahaging iyon ng kalsada.

Sa ngayon iniimbestigahan na QCPD Traffic Sector 5 ang driver ng bus na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injuries

(Reynante Ponte / UNTV Radio)

Tags: , , ,