Lalaki, patay sa pamamaril sa Quezon City

by Radyo La Verdad | February 25, 2016 (Thursday) | 2611

PATAY
Patay ang isang lalaking tinatayang edad 40 anyos nang pagbabarilin ng hindi pa matukoy na suspek sa Barangay Holy Spirit, Quezon City myerkules.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ulo at braso ang lalaki.

Ayon sa mga residente, pasado alas-kwatro madaling araw ng myerkules nang makarinig sila ng mga putok ng baril.

May nakuhang identification card ang mga otoridad mula sa biktima subalit bineberipika pa nila ang impormasyong nakuha.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga tauhan ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

(Benedict Galazan/UNTV NEWS)

Tags: ,