Ligtas na paraan ng online class sa pamamagitan ng video conferencing, inilabas ng DOJ

by Erika Endraca | September 25, 2020 (Friday) | 30422

METRO MANILA – Suportado ng Department Of Justice (DOJ) ang ipinatutupad na online distance learning at upang mapangalagaan ang mga mag-aaral at guro laban sa panganib sa cyberspace, naglabas ng abiso ang DOJ para sa ligtas na paggamit ng video conferencing services

Para sa mga school administrator, huwag ibibigy ang meeting I.D at password sa publiko.

Palaging maglagay ng meeting configurations tulad ng isa-isang pagtanggap sa kasali sa video conference; pagkakaroon ng standard naming instruction at pagrerequire ng password sa mga participant

Huwag papayagan ang participants na mag-join bago ang host, magpadala ng mensahe sa isat isa, mag-access ng file transfer at iba pa. Wag iwanan ang mga estudyante sa virtual classroom. Tiyakin na updated ang version ng inyong application

Sa mga magulang, dapat gabayan ang anak at turuan sila sa tamang paggamit ng teknolohiya

Ayon naman kay Atty. George Erwin Garcia, Dean ng Pamantasan ng lungsod ng Maynila College of Law , maganda ang hakbang ng doj para mapangalagaan ang karapatan ng bata sa pang-aabuso, pananamantala o exploitation.

“Huwag din natin tatanggalin ang karapatan ng pamahalaan na iregulate ang mga karapatan na to protect also the rights of others” ani PLM College of Law Dean, Atty. George Erwin Garcia.

Aniya hindi ito batas kaya maaaring pag-usapan pa ng school management at mga magulang ang naturang mga panuntunan

“Kinakailangang may consultative process lagi mong tinatanong at kinakailangang may pagsang-ayon ang mga at ang mga teacher” ani PLM College of Law Dean, Atty. George Erwin Garcia.

Pinapayuhan naman ang publiko na ireport sa mga otoridad ang iregularidad na makikita sa online classes.

Maaari itong isumbong sa pamamagitan ng PNP-Anti Cyrbercrime group, National Bureau of Investigation Cybercrime Division, o sa Department Of Justice Cybercrime Office.

(Dante Amento | UNTV News)

Tags: ,