METRO MANILA – Plano ni Department of Health Secretary Ted Herbosa na irekomenda na ang pagbawi sa deklarasyon ng umiiral na COVID-19 State of Public Health Emergency sa bansa.
Sa isang ambush interview, sinabi ng kalihim na hindi na masyadong maituturing na emergency case ang COVID-19 at halos kagaya na rin ito ng mga karaniwang sakit gaya ng trangkaso, sipon at ubo.
March 2020 nang ideklara noon ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte ang State of Public Health Emergency sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Sa ilalim ng Proclamation Number 922, mananatili ang pag-iral ng State of Public Health Emergency maliban na kung i-lift o bawiin na ito ng presidente.