Ipinahuhuli na ng pamunuan ng pambansang pulisya sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga dating lider ng militanteng mambabatas na sina Satur Ocampo, Teddy Casino, Lisa Masa at Rafael Mariano .
Ito’y matapos na maglabas ng warrant of arrest ang Palayan City, Nueva Ecija RTC Branch 40 laban sa mga ito sa kasong murder noong 2001 at 2004 sa pagpatay sa dalawang magsasaka sa Nueva Ecija.
Ayon kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde, noong weekend pa hinahanap ng mga tauhan ng CIDG ang mga militanteng mambabatas.
Aniya, sumusunod lamang ang PNP sa utos ng korte na arestuhin ang mga ito dahil sa nasabing kaso.
Pakiusap ng PNP sa mga militanteng mambabatas, kusang sumuko na lamang sa opisina ng CIDG bago pa sila matagpuan ng mga operatibang ipinakalat nila.
Samantala, nagsagawa naman ng rally ang militanteng grupo sa labas ng gate ng Kampo Crame bilang suporta sa mga militanteng mambabatas na anila’y harrassment ang gagawing pag-aresto ng PNP.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )
Tags: CIDG, Satur Ocampo, Teddy Casino