Lider at mga tauhan ng private army na sangkot sa pagpatay sa PNP-SAF troopers, nahaharap din sa kaso kaugnay ng Maguindanao Massacre

by Radyo La Verdad | September 23, 2015 (Wednesday) | 4310

DE LIMA
Kinumpirma ni Justice Sec. Leila De Lima na nahaharap din sa kaso kaugnay ng Maguindanao Massacre ang isang leader at mga tauhan ng isang private armed group na kabilang sa sinampahan ng reklamo kahapon dahil sa pagpatay sa 35 tauhan ng PNP-SAF sa Brgy. Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao noong nakaraang Enero.

Batay sa reklamong isinumite ng DOJ-NBI special investigation team, tinatawag na “Massacre” ang nasabing private army na umano’y pinamumunuan ng mga Ampatuan.

Tatlumpu’t pito sa mga respondent sa kaso ng pagpatay sa mga SAF ay naka address sa opisina ni Mamasapano Mayor Benzar Ampatuan.

Kabilang ang alkalde sa limapung bagong mga suspek sa Maguindanao Massacre na sinampahan ng reklamo sa Department of Justice at kasalukuyang sumasailalim sa Preliminary investigation.(Roderic Mendoza/UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,