Nais ipaimbestiga ni Sen. JV Ejercito sa Senate Blue Ribbon Committee ang license plate program ng Land Transportation Office (LTO) na nagkakahalaga ng P3.8 B.
Ipinahayag ni Ejercito na kahina-hinala ang ginawang bidding process ng LTO para sa pagbili ng plaka ng mga sasakyan.
Batay sa Senate Resolution 1239 na isinusulong ni Ejercito, pinaboran ng Bids and Awards Committee ng Department of Transportation and Communications (DoTC) ang Dutch company na J. Knieriem BV-Goes sa kabila kakulangan sa karanasan at financial capacity para ilunsad ang proyekto.
Nais din ipabusisi ni Ejercito ang ginawang pagbabago ng LTO sa pagbalangkas ng mga requirement at term of reference para mapaboran ang winning bidder.
Ayon kay Ejercito, kailangan din imbestigahan ng Senado kung naipatupad ang transparency at competitiveness sa bidding process lalo’t pera ng taumbayan ang gagamitin sa programa.
Nais ding malaman ni Ejercito ang ulat na nagkakaroon ng umano ng delay sa pagisyu ng mga bagong plaka ng sasakyan.
Tags: DOTC, JV Ejercito, license plate, LTO, Senado