Tambak pa ang mga hindi nakukuhang voters id sa mga tanggapan ng Commission on Elections sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Halimbawa sa District 5 ng lungsod ng Maynila, mahigit limampung libo pa ang unclaimed voters id.
Ayon sa Election Officer na nakakasakop sa District 5, naabisuhan na nila ang mga may-ari na maaari nang kunin ang kanilang id subalit walang nagpupunta upang mag-claim.
Paalala ng COMELEC, hindi ipinapadala sa botante sa pamamagitan ng koreo o sa mga opisyal ng barangay ang voters id kundi kukunin ito sa tanggapan ng COMELEC.
Ang claimant ay kailangang magpakita ng valid id at kung sakaling ibang tao ang kukuha kailangan silang magpakita ng authorization letter.
Ikinukonsiderang valid id ang voters id kaya magagamit ito sa iba’t ibang transaksyon na kailangan ng proof of identification.
Pero paglilinaw ng poll body hindi requirement ang voters id upang makaboto sa eleksyon.
Walang bayad ang pag-claim ng voters id.
Maari din makipag-ugnayan sa inyong local COMELEC office kung maari nang ma-claim ang inyong voters id.
(Victor Cosare / UNTV Correspondent)
Tags: hindi pa nakukuha, Libu-libong voters id, mga local COMELEC offices