Libu-libong mga guro na nagsilbing BEI sa nagdaang halalan hindi pa rin nabibigyan ng kanilang honoraria

by Radyo La Verdad | May 27, 2016 (Friday) | 1032

ACT
Nagprotesta kahapon sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections ang ilang guro at empleyado ng COMELEC dahil libu-libo pa ring public school teachers ang hindi pa nabibigyan ng kanilang honoraria kaugnay ng nagdaang halalan.

Ayon sa grupong Alliance for Concerned Teachers, limampung libo pang guro, hindi pa kasama ang support staff sa buong bansa ang hindi pa nababayaran ng COMELEC.

Ayon sa presidente ng grupo, nag ugat ang problema sa pagpapalit ng sistema ng COMELEC kung saan idinadaan na sa cash cards ang pagbibigay ng honorarium.

(UNTV RADIO)

Tags: ,