Libu-libong ektarya pa ng lupain ang maaaring masakop ng agrarian reform kung maisasabatas ang genuine agrarian reform bill o hb 555.
Ayon kay Secretarty Rafael Mariano, tuloy parin ang pagtanggap ng Department of Agrarian Reform sa mga petisyon sa mga land holding bagama’t natapos na ang pag-iisue ng Notice-of-Coverage o NOC noong June 2014.
Ang NOC ay unang hakbang upang masakop ng repormang pang-agrario ang isang lupain.
Ayon sa kalihim, marami parin ang potensyal na maipamamahagi sa mga agrarian reform beneficiaries lalo na ang nasa Negros, Region 8, Isabela, Cagyan, Bicol, Southern Mindanao, Tarlac, Pampanga at Palawan.
Sa ngayon ay nasa mahigit 4.7m hectares na ang naipamahaging lupa sa halos 3M benepisyaryo ng agrarian reform.
Mahigit sa anim na raang libong ektarya naman ang hindi pa naipamamahagi na karamihan ay mga tubuhan at niyugan.
Sa kaunaunahang pagkakataon naman ay magpupulong ang Presidential Agrarian Reform Council sa pangunguna ng Pangulong Rodrigo Duterte sa August 22 upang pagusapan ang mga programa ng DAR.
(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)
Tags: genuine agrarian reform bill, Libu-libong ektaryang lupa, maaring masakop sa pagsasabatas