Libu-libong commuters ang naabala matapos magkaaberya ang operasyon ng MRT kaninang umaga

by Radyo La Verdad | September 6, 2019 (Friday) | 10256

Humaba ang pila ng mga pasahero sa MRT North Avenue station kaninang umaga matapos magkaproblema ang byahe ng tren.

Ayon sa mga pasahero noong una ay limitado lang ang biyahe pero kalaunan ang itinigil na ang buong operasyon.

Ayon kay Kim, MRT-3 commuter, “Una sinabi hanggang Shaw lang, tapos biglang sinabi nung operator na no operation na.”

Dahil sa aberya napilitan ang iba na mag-half day na lamang sa trabaho.

Sanabi naman ni Servillano, MRT 3 commuter, “Wala. Wala naman silang ano. maghintay lang. Emergency naman yun. Biglang nasira. Wala namang may kagustuhan nun.”

Ang dahilan ng aberya naputol ang isang kable ng catenary system ng MRT sa Guadalupe Station kaninang alas sais disisyeta ng umaga.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, nagdulot ito ng kakulangan sa kuryente upang makabyahe ang tren mula Shaw Boulelvard papuntang Santolan Station.

Dahil dito, pansamantalang itinigil muna ang mga byahe ng MRT-3 upang bigyang daan ang pagsasaayos ng naputol na kable.

Nagdeploy naman ng mga bus ang Department of Transportation para may masakyan ang mga naabalang pasahero.

Mag-aalas dies na ng umaga ng maibalik ang partial operation ng MRT mula North Avenue Station hanggang Shaw Boulevard Station.

Patuloy namang iniimbestigahan ng MRT ang insidente.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: