Maaari nang maka access sa libreng internet sa ilang istasyon ng MRT Line 3 simula ngayong araw.
Naunang nagkaroon ng free wifi ang Ortigas Station, Guadalupe at Buendia Station.
Naglagay ng cell site ang internet provider sa bawat istasyon ng MRT.
Upang makakonek, buksan lamang ang wifi ng inyong mga cellphone at piliin lamang ang @gowifi.
Bawat pasahero ay maaari lamang maka konek sa internet sa loob ng tatlumpung minuto
256kbps na internet speed ang ibibigay ng Globe na maaaring magamit ng mga pasahero ng MRT.
Maaari itong ma access sa ibaba ng istasyon at hanggang sa platform.
Ayon sa MRT, malaki ang maitutulong ng free wifi upang mas mabilis na ma-monitor ang mga problema sa mga istasyon at sa loob mismo ng mga tren.
Hinikayat ng MRT management ang lahat ng mga pasahero na i-post sa facebook at twitter ang lahat ng mga problema at aberya na masasalunga nila sa loob ng tren at maging sa istasyon.
Binatikos naman ng ilang grupo ang mrt at sinabing dapat ay unahin ang pagaayos sa riles at tren.
Ayon naman sa MRT, libre naman itong ibinigay sa kanila kung kayat sinamantala na nila ang pagkakataon.
Isa sa mga proyekto ng Department of Transportation sa unang isang daang araw ay ang paglalagay ng libreng internet access sa mga airport at seaport.
Anim na araw pa lamang ang nakakalipas at nagkakaroon na ng kaunting resulta ang isa sa mga proyekto ng Department of Transportation.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)