Libreng sakay sa EDSA carousel, matatapos na sa Dec. 31, 2022

by Radyo La Verdad | December 29, 2022 (Thursday) | 7484

Ipinaalala ng Department of Transportation na hanggang sa December 31 o sa Sabado na lang ang libreng sakay sa EDSA carousel, kaya simula sa Linggo ay kailangan magbayad ng mananakay sa EDSA busway.

Batay sa fare matrix mula sa LTFRB, 15 pesos ang minimum na pasahe sa bus, 12 pesos sa mga estudyante, senior citizens at persons with disability. Habang aabot naman sa 76 pesos ang kabuoang pamasahe mula PITX hanggang EDSA Monumento, at may 20 percent discount para sa mga senior citizen, estudyante at PWDs.

Nitong Miyerkules, December 28,  binuksan naman ng DOTR ang panibagong istasyon ng bus sa Tramo Pasay City, kaya’t sa kabuoan ay mayroong nang dalawampu’t isang istasyon ang kahabaan ng EDSA busway.

Batay sa datos ng DOTR, umabot sa 400,000 ang average ng pasahero sa busway ngayong holiday season.

Ayon naman sa LTFRB noong December 27, nasa higit 80 million na mga pasahero ang napagsilbihan ng libreng sakay sa carousel.

JP Nuñez | UNTV News

Tags: , ,