Libreng sakay ng DOTr, posibleng mapalawig sa susunod na taon

by Radyo La Verdad | November 21, 2022 (Monday) | 564

METRO MANILA – Posibleng mapalawig sa susunod na taon ang libreng sakay program ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay Senator Sonny Angara na umuupong Chairperson ng Senate Committee on Finance, isinama sa proposed 2023 budget ang pondo para sa libreng sakay.

2020 nang ilunsad ang programa sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act para matulungan ang mga commuter at nasa sektor ng transportasyon na naapektuhan ng pandemya.

Agosto nitong taon, nag-request ng P12-B ang DOTr para maipagpatuloy ang programa sa 2023 pero hindi umano ito naisama sa national expenditure program.

Tags: