Libreng sakay hatid ng service contracting program ng pamahalaan, muling ipatutupad simula ngayong araw

by Radyo La Verdad | April 11, 2022 (Monday) | 12891

METRO MANILA – Ipatutupad na ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Phase 3 ng Service Contracting Program simula ngayong araw (April 11).

Ito ay matapos maantala ang pagpapatupad ng programa bunsod ng disbursement ban ng Commission on Elections (Comelec).

Bagaman hinihintay pa ng LTFRB ang Comelec resolution kaugnay sa exemption sa disbursement ban.

Sa ilalim ng programa, subsidized ang biyahe ng mga public utility vehicle (PUV) sa pamamagitan ng P7-B pondo na inilaan ng pamahalaan.

Mas pinalawig ito kung saan bukod sa mga public utility bus ay maaari na ring lumahok ang mga jeepney, UV express at iba pang mode of transportation.

Pinataas din ang payout rate nito kasabay ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ngunit may benepisyo rin ito sa mga public commuter.

Dahil hatid ng programa ay ang libreng sakay sa mga pasahero.

Para sa service contracting program Phase 3, pangungunahan ang libreng sakay sa mga bus na bumabiyahe sa Edsa busway.

Habang inaasahan naman ang libreng sakay sa pagbubukas ng mga karagdagang ruta at pagbiyahe ng iba pang PUV sa buong bansa sa mga susunod na araw. 

Para sa karagdagang impormasyon o katanungan, maaaring dumulog sa LTFRB hotline na 1342 o sa project implementing unit office ng ahensya o kaya namanay bisitahin ang LTFRB offical social media page.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: ,