Libreng pabahay para 205,000 mahihirap na biktima ng Bagyong Yolanda, ipagkakaloob ng pamahalaan

by Radyo La Verdad | February 9, 2017 (Thursday) | 1809


Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon na libre niyang ipagkakaloob ang pabahay para sa mga benepisyaryo na biktima ng Bagyong Yolanda noong November 2013.

Ang pahayag ay ginawa ng pangulo sa kaniyang public statement sa unang housing summit ng National Housing Authority na idinaos sa Quezon City.

Dalawang daan at limang libong benepisyaryo ang makikinabang sa libreng pabahay at conditional grant ng lupa sa ilailim ng Duterte Administration.

Ayon kay NHA General Manager Marcelino Escalada, nagkakahalaga ng 290 thousand pesos ang house and lot package na ipagkakaloob ng libre.

Tags: , ,