Libreng irigasyon, hinihiling ng mga magsasaka

by Radyo La Verdad | January 21, 2016 (Thursday) | 2019

REY_MAGSASAKA
Hinihiling ng grupo ng mga magsasaka sa pamahalaan ang libreng patubig.

Bukod sa pakikipag-dayalogo sa mga opisyal ng National Irrigation Administration ay nagsagawa rin ang grupo ng programa sa harap ng tanggapan kaninang umaga.

Ayon sa grupo nagbabayad ang mga magsasaka ng P4,500 sa isang ektarya kada taon upang mapatubigan ang kanilang sakahan.

Kung hindi naman makapagbayad ay hindi patutubigan ang kanilang mga bukid.

Napapanahon din ang kanilang hinihingi dahil naapektuhan na sila ng El Niño.

Isinusulong din ng grupo sa kongreso ang house bill 6624 o ang free Irrigation Services Act.

Gusto ring matiyak ng grupo na ang pondong inilaan ng pamahalaan para sa mga magsasaka ay makararating sa kanila.

Hindi naman tutol ang nia sa libreng patubig subalit kailangang mapalitan ng gobyerno ang panggagalingan ng kanilang operational fund na umaabot sa P3 Billion kada taon.

Sa ngayon ay ang nakokolekta sa mga magsasaka ang ginagamit nila dito.

Ngayong taon ay nasa 500 ektarya ng palayan ang nakaprogramang taniman sa buong bansa.

Nakahanda narin silang magsagawa ng cloud seeding sa mga lugar na kulang ang ulan lalo na sa Visayas at Mindanao area.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: ,