Libreng internet sa mga establisimento, isinusulong sa Kamara

by monaliza | March 31, 2015 (Tuesday) | 1885
Photo credit: Reuters
Photo credit: Reuters

Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara para obligahin ang mga negosyante sa Metro Manila na magkaroon ng libreng internet sa loob ng kanilang establisimento.

Sa House bill 1784 na iniakda ni Quezon City Rep. Winston Castelo, oobligahin ang mga negosyante na maglagay ng libreng internet sa kanilang tindahan para sa mga kustomer nito.

Layunin ng panukalang batas na mabigyan ng pagkakataon ang kanilang mga parokyano na makapagsaliksik at makakuha ng mga mahahalagang impormasyon habang nasa kanilang mga tindahan.

Kung tuluyan itong maging batas, masasakop nito ang mga negosyanteng may P1 million minimum capital para magbigay ng libreng internet para sa mga costumer.

Hindi naman kabilang dito ang mga maliliit na negosyo tulad ng mga karinderya at sari-sari store.

Tags: , , , ,