Libreng government services sa pagbubukas ng UNTV Cup season 8 , maaaring ma-avail ngayong araw

by Radyo La Verdad | September 9, 2019 (Monday) | 16516

Muling na namang sasabak sa hard court ang mga kawani ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa ika-walong season ng UNTV Cup. Kaakibat nito ang mga charity works kung saan milyon-milyong pisong papremyo ang muling ipapamahagi sa mga chosen beneficiaries ng bawat kuponan.

Isa ito sa mga paraan ng Members Church of God International (MCGI) sa pangunguna ni Kuya Daniel Razon at Brother Eli Soriano na makapag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.

Ayon kay Kuya Daniel Razon, “Well, sa atin, mahalaga ang bawat pagkakataon na makatulong regardless kung sino iyong tinutulungan. Ang sa atin kasi bawat pagkakataon na makatulong tayo sa ating mga kapuwa tao na nangangailangan is an opportunity na bigay ng Panginoon sa atin para makagawa tayo n’ong dapat nating gawin.”

At sa pagbubukas ng panibagong season ng UNTV Cup mamayang ala sais ng gabi, muling maghahandog ang UNTV sa mga kasangbahay ng serbisyo publiko katuwang ang ilang ahensya ng pamahalaan. Gaya ng free service ng Philhealth para sa online verification ng contribution at membership, application at issuance ng Member Data Record o MDR at ID, at impormasyon kaugnay sa benepisyo at iba pang pribilehiyo ng Philhealth. Mayroon ring libreng online verification ng loan, contribution, membership at iba pang benepisyo at pribilehiyo sa Pag-ibig fund. At free service ng Social Security System para sa mga nangangailangan ng impormasyon kaugnay sa benepisyo at loan privileges sa SSS.

Makaka-avail ng mga naturang free government services bago ang pormal na pagsisimula ng UNTV Cup season 8 sa Mall of Asia Arena simula alas kuwatro ng hapon hanggang alas sais ng gabi ngayong araw September 9, 2019.

(Asher Cadapan, Jr. | UNTV News)

Tags: , , ,