Libre nang makakapagaral ng rural farming ang mga Bulakenyo sa bagong bukas na rural farm school sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Mahigit tatlong daang estudyante ang inaasahang makikinabang sa programa
Aabutin ng tatlong buwan ang pag-aaral ng rural farming, kung saan kabilang sa ituturo ang basic vegetable production, pest management, application of fertilizer at harvesting.
At dahil sinusunod rin ng paaralan ang pangangalaga sa kalikasan, bawat nabubulok na halaman at damo ay gagawin nilang organic fertilizer at ipamimigay ng libre sa mga magsasaka para sa kanilang pananim.
Katuwang sa naturang proyekto ang TESDA na naglaan ng 500 million pesos halaga ng scholarship voucher para sa 45-libong mag-aaral.
(Nestor Torres / UNTV Correspondent)