Isang masayang pagdiriwang ang handog sa lahat ng mga nakiisa sa matagumpay na 3rd UNTV-DILG Rescue Summit sa Quezon City Memorial Circle kahapon.
Matapos ang maaksyong araw, binigyan naman ng musical treat ang mga participant sa pamamagitan ng isang free concert.
Nakisaya roon ang bandang Bradz. Enjoy na enjoy naman ang lahat ng mga nanood. Dito ay inawit din ng mga WISHful ang kanilang latest singles.
Samantala, isang meet and greet din ang isinagawa para sa fans ng WISHful 5 kung saan nagkaroon din ng pagkakataon ang mga ito na magpapirma ng kanilang WISHful Journey Album.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Matapos tanghaling WISHcovery 2nd runner-up, isa na namang bagong achievement ang naabot ni WISHful Louie Anne Culala.
Noong Sabado, nagtapos si Louie Anne sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management sa Baliuag University sa Bulacan.
Nakumpleto ni Louie Anne ang kurso sa kabila ng pagiging aktibo sa pagsali sa singing competitions.
Kauuwi lamang ni Louie Anne sa bansa mula sa on-the-job training (OJT) sa isang hotel sa South Dakota, USA nang mag-audition sa WISHcovery.
At kahit nakapasok sa kumpetisyon, hindi naging option sa noo’y tourism student ang tumigil sa pag-aaral.
Isang pride naman kung ituring ng paaralan si WISHful Louie Anne.
Ang pagtatapos na ito ay simula naman ng bagong yugto sa buhay ni Louie Anne at isa sa kaniyang mga sandata upang makamit ang pangarap na magandang kinabukasan
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: Louie Anne, wishcovery, WISHful
Exciting ang vocal showdown ng returning WIShfuls ng WISHcovery noong Sabado dahil dito malalaman kung sino ang huling WISHful na sasabak sa final stage ng wildcard round.
Inaral mabuti ni Charlene Hernandez ng Muntinlupa ang previous comments ng resident reactors para sa kanyang performance ng “Iisa pa lamang”.
Nagbabalik din sa kumpetisyon ang semi-finalist na si Audrey Malaiba ng Batangas para sa awiting “Kung ako na lang sana”.
“Better days” ni Franco naman ang napili ni Bicol’s pride Lyka Boñol para sa kanyang comeback performance.
Pero ang pinaka nag-stand out sa cluster na ito, ang pambato ng Rizal, John Harvey Magos.
Makakalaban ni John Harvey sa final wildcard battle sina Jenimay Mabini, Princess Sevillena at Zekiah Jane Miller sa darating na Sabado.
Ang mananalo dito ang haharap sa WISHful 4 at may pagkakataong maging kauna-unahang grand champion ng freshest online singing competition sa bansa, ang WISHcovery.
Samantala, mamayang alas-syete ng gabi naman ay isasagawa ang hometown concert ni WISHcovery grand finalist Louie Anne Culala sa San Ildefonso Gymnasium, Bulacan.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: John Harvey Magos, Rizal, WISHful
Pinaghandaan ng apat na returning WISHfuls ang vocal clash para sa wilcard edition ngayong Sabado sa pag-asang makapasok sa grand finals.
Unang sumabak ang pambato ng Iloilo, JM Bales sa kanyang rendition ng side a hit “Tell me”. Nagbabalik naman sa kumpetisyon ang semi-finalist na si Diana Tabitha Caro ng Las Piñas para sa awiting “Forever’s not enough”.
Ang Sam Concepcion hit na “Mahal na mahal” naman ang napiling awitin ng WISHful mula sa Laguna, Danielle Joshua Supnet.
Samantala, isang madamdaming comeback performance ng awiting “Anak” naman ang nagpapanalo sa rising star ng Cebu, Zekiah Jane Miller.
Makakalaban ni Zekiah sa slot sa WISHful 5 sina Jenimay Mabini, Princess Sevillena at ang Wishful na papalaring manalo sa huling cluster ng wildcard edition sa darating na Sabado.
Kahapon ay nagkaroon ng live chat sa kanilang fans ang WISHful 4 na sina Hacel Bartolome, Carmela Ariola, Louie Anne Culala at Kimberly Baluzo.
Simula na rin ngayong araw ang hometown tour sa probinsya ni Hacel, ang Cavite.
Abangan ang kanyang mini-concert mamaya sa Bacoor Strike Gymnasium, Bacoor City, alas-siyete ng gabi.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: wildcard edition, wishcovery, WISHful