Libo libong taga-suporta ng UNTV ang dumagsa sa SMX Convention Center sa Pasay City para sa pagbubukas ng Public Service Fair kasabay ng pagdiriwang ng ika-11 anibersaryo ng nag-iisang public service station sa bansa.
Pinangunahan ni UNTV CEO Kuya Daniel Razon at Mr. Atom Henares ang ribbon cutting kasama si NCRPO head, Police Chief Supt. Joel Pagdilao at iba pang mga public officials ng ibat ibang ahensya ng gobyerno.
Ibat ibang ahensya ng gobyerno ang lumahok para magbigay ng serbisyo sa online processing tulad ng SSS, PHILHEALTH, PAG-IBIG FUND, Philippine Overseas Employment Administration, Overseas Workers Welfare Administration, Public Attorneys Office, National Bureau of Investigation, Office of the Senior Citizens Affairs, National Housing Authority, at Commission on Elections.
Kasama din ang Department of Social Welfare and Development para sa mga katandaan na magaaply ng senior citizen ID.
Kalahok rin ang Philippine National Police, at Metro Manila Development Authority na magbibigay naman ng libreng seminar sa rescue at disaster preparedness.
Meron din ditong booth ng Senate, House of Representative at mga booth ng ilang business enterprises at local government units.
Mamayang alas-6:00 ng gabi ay ang launching ng UNTV Life channel at WISH FM concert kung saan ipinagdiriwang nito ang unang anibersaryo ng WISH FM 107.5 station na dadaluhan naman ng mga guest celebrity, at singers.(Reynante Ponte/UNTV Radio)