Libo- libong residente ang inilikas dahil sa tinatawag na major storm na nagdulot ng matinding pagbaha sa ilang bahagi ng Sydney, Australia.
Ilang kalsada at mga gusali ang nalubog sa baha sa baybayin ng New South Wales.
Ilang lugar din ang nawalanng suplay ng kuryente.
Isinara rin ang ilang runway sa Sydney Airport.
Naglabas na ng evacuation orders ang New South Wales State Emergency Service sa mga residente sa low-lying coastal areas.
Tags: Australia, libo-libong residente, matinding pagbaha, Sydney