Sako-sakong cd at dvd na naglalaman ng kinopyang mga pelikula at programa sa telebisyon ang sinira ng Optical Media Board sa Meycauayan National Highschool kahapon.
Ayon sa OMB, ilan lamang ito sa mga nakumpiska nila sa mga operasyon ngayong taon sa mga bangketa at palengke sa Metro Manila at kalapit na probinsya.
Muli ring nagbabala ang OMB na mahaharap sa kaso ang mga mahuhuling nagtitinda ng pirated videos kasabay ng panawagan sa publiko na agad isuplong ang mga lumalabag sa batas kontra piracy.
Iminungkahi rin ng OMB na sa National Film Archive ng bansa kumuha ng kopya ang mga mag-aaral kung may takdang-aralin hinggil sa sining at pelikulang Pilipino.
(Nestor Torres / UNTV Correspondent)
Tags: Libu-libong piraso ng pirated cd at dvd, sinira ng OMB sa Bulacan