Libo-libong patay na sardinas lumutang sa isang ilog sa Chile

by Radyo La Verdad | April 12, 2016 (Tuesday) | 7795
Libo-libong patay na isda sa Southern Chile(REUTERS)
Libo-libong patay na isda sa Southern Chile(REUTERS)

Libo-libong patay na isda na ginagawang sardinas ang lumutang sa pampang ng isang ilog sa Southern Chile.

Nagtulong tulong ang mga otoridad na alisin ang tone-toneladang patay na isda gamit ang mga bangka at crane fork.

Ayon mga residente nangangailangan pa ng karagdagang mga tauhan upang agarang maalis ang mga patay na isda.

Sa ngayon ay inaalam ng mga eksperto ang sanhi ng pagkamatay ng mga isda.

Tags: ,

Forest fire patuloy na nanalasa sa isa nature reserves sa Chile

by Radyo La Verdad | March 11, 2016 (Friday) | 8498

FOREST-FIRE
Patuloy pa ring tinutupok ng apoy ang libu-libong puno sa isang nature reserve sa Chile

Mahigit anim na ektarya na ang nasalanta ng apoy kabilang na ang mahigit apat na raang cypress tree ng mahigit isang libong taong gulang na.

Pinangangambahang mas lumawak pa ang sakop ng forest fire dahil sa matinding init na nararanasan sa bansa.

Sa ngayon nasa ilalim ng weather alert ang Chile.

(UNTV NEWS)

Tags: ,

Bangkay ng isang lalaki, natagpuan sa isang ilog sa Olongapo City

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 4743

LESLIE_BANGKAY
Nagulat ang ilang residente sa Barangay Kalaklan, Olongapo City nang makita ang isang bangkay ng lalake na nakalutang malapit sa isang bangka sa ilog kaninang alas otso ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Jomer Lapitan, 29 years old at residente ng Brgy. Mabayuan.

Ayon sa kinakasama nito na tumangging humarap sa camera, noong nakaraang Sabado pa umalis sa kanilang bahay si Jomer.

Tinitignan naman ng barangay ang maaaring kinalaman sa krimen ng taong pinuntahan ng biktima, base na rin sa salaysay ng kinakasama nito.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang krimen.

Nananawagan naman ang maganak ng biktima para sa agarang ikadarakip ng suspek sa pamamaslang.

(Leslie Huidem / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,

Mahigit 330 endangered whales natagpuang patay sa baybayin ng Chile

by Radyo La Verdad | December 4, 2015 (Friday) | 7229

CHILE
Nasa tatlong daan at tatlumpung patay na balyena ang napadpad sa baybayin ng Golfo de Penas sa Chile .

Ayon sa mga scientist maituturing na apocalyptic ang pagkamatay ng endangered na mga balyena na may habang sampung metro.

Nagsimula ng mag-imbestiga ang mga otoridad sa sanhi ng pagkamatay ng mga balyena.

Napag-alamang noong abril ngayong taon, may 20 patay na balyena rin ang natagpuan sa lugar.

Tags: , , ,

More News