Libo-libong evacuees sa Marikina City, nakauwi na sa kanilang mga bahay

by Radyo La Verdad | August 20, 2018 (Monday) | 7519

 

MARIKINA, Metro Manila – Limang pamilya na lamang ang nananatili sa Bulelak Gym sa Marikina City na nagsilbing evacuation center matapos ang mga pagbaha dala ng walang tigil na pag-ulan nitong mga nakaraang linggo. Libo-libong pamilya na naapektuhan ng mga pagbaha, nakauwi na noong nakaraang Biyernes.

Samantala, target naman ng lokal na pamahalaan ng Marikina na matapos bukas ang clearing operations sa mga lugar na naapektuhan ng pagbaha tulad ng Provindent Village, Malanday at Tumana. Pagkatapos ay agad namang uumpisahan ang rehabilitasyon sa mga napinsala.

Katulong ng LGU sa paglilinis ang MMDA, BFP at ilan pang stakeholders.

24/7 ang monitoring ng Marikina City Disaster Risk Reduction and Management Office sa water level sa Marikina River upang mabigyang babala ang mga residente na lumikas sakaling tumaas na naman ito dahil sa posibleng pag-ulan pa dulot ng habagat.

Nauna na ring ipinahayag ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na nangangalap na sila ng pondo para sa ipatatayong permanenteng evacaution center sa lungsod na magagamit tuwing may kalamidad.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,