Liberation ng Marawi mula sa mga terorista, pre-mature pa ayon sa isang peace and security expert

by Radyo La Verdad | October 19, 2017 (Thursday) | 2078

Kahit hindi pa tuluyang natatapos ang bakbakan, nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang malaya na mula sa mga terorista ang Marawi City. Kasunod ito ng pagkakapatay ng mga sundalo kina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Ngunit para kay peace and security expert na si Prof. Rommel Banloi, masyado pang maaga para sabihing terror free na ang lungsod.

Isang katunayan aniya nito ay hindi pa makabalik ang maraming residente sa kanilang mga tahanan at wala pa ring pagbabago sa kanilang sitwasyon.

Posible rin aniyang napilitan lamang si Pangulong Duterte na ideklara ang liberation ng Marawi City dahil sa ilang beses na pumalya ang ibinigay na deadline ng militar.

Iginagalang naman ng Malakanyang ang pahayag ni Banlaoi. Subalit sinabi nitong strategic message ang ginawang deklarasyon ng liberation ng marawi ni Pangulong Duterte.

Positibo rin ang pananaw ng pamahalaang magtutuloy-tuloy ang recovery ng naturang siyudad.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,