Liberal Party congressmen, hindi pinipigilang sumuporta sa PDP LABAN

by Radyo La Verdad | May 24, 2016 (Tuesday) | 929

REP-NEPTALI-GONZALES
Malayang pinagpapasya ng liderato ng Liberal Party sa mababang kapulungan ng kongreso ang kanilang mga miyembro kung sino ang ibobotonila sa pagka-house speaker.

Kahapon pinulong ang mga miyembro ng LP at sinabi ni House Majority Floor Leader Neptali Gonzales II na pinapayagan silang sumuporta sa ibang partido, pero mananatili silang miyembro ng LP.

Bunsod ito ng mga balitang marami ng LP ang lumipat na ng suporta kay PDP Laban Sec General Cong Pantaleon Bebot Alvarez natatakbo bilang speaker of the house.

Una narin umanong naipangako ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr ang kanyang pagsuporta kay Alvarez bilang susunod na house sepaker.

Tanggap na rin umano ni Belmonte ang posibilidad na siya ang maging minority leader
Kahapon dumagdag pa sa mga grupong nagbigay ng suporta sa PDP LABAN ang National Unity Party o NUP at LAKAS-CMD.

Una nang lumipat ng alyansa sa PDP LABAN ang lakas, Nationalist Peoples Coalition o NUP, Nationalista Party at Parylist Coalition.

Una nang sinabi ni Alvarez na may pag-uusap naring nagaganap sa PDP LABAN, Makabayan Bloc at United Nationalist Alliance o UNA.

(Grace Casin/UNTV NEWS)

Tags: